Sabado, Marso 30, 2013

init

hapon yon. mga bandang alas tres. tatlo lang kaming nasa bahay. si letlet, si manang. besing besi sila sa kapanonood ng drama rama ng kung anong shit channel sa tv. tanging ang ingay lang ng tv ang naririnig ko sa buong bahay pero alam ng mabuting budhi ko na seryosong nanonood yong dalawa.

ramdam ko yong buwakenang init sa loob ng kabahayan. feeling ko nasa malaking chamber ako na may incubation process. konting konti na lang talaga yong itlog ko mapipisa na sa sobrang init. meron nga kaming itlog na nakalagay sa garapon ng stick-o, pagpisa ko nung prituhin ko nung isang umaga sisiw na. pero imbes na itapon ko, kinain ni manang yong sisiw. oo ganun kapatay gutom si manang. apektado ang sikmura ng init ng panahon. hahaha. anyway, so ganun na nga ang sistema sa tuwing hapon. yong mag-ina nasa ibaba ng bahay habang ako nasa 2nd floor. sira pa rin yong aircon kaya megaeffort sa efficiency ang electric fan na nabili ko sa ace hardware, ayaw mapahiya ng brand! (may diin)

so one scorching summer afternoon this march 2013 ummm bale kahapon lang yon to be exact. hindi ko kinaya ang init. lumabas ako ng bahay and guess what kung anong unang nakita ko sa labas ng bahay. dalawang asong nag... ummm nag... nag-- nag--- pano ko ba sasabihin sa yo to na hindi ka nababastos at hindi ako magkakasala, mahal na araw pa naman. basta dalawang asong enjoy na enjoy ang romansahan sa gitna ng init ng araw yong isa bigay na bigay yong isa diin naman ng diin. kung pavirginal effect ka imagine-in mo na lang na may coitus na nangyayari dahil normal lang ang magpropagate pero kung salaula ka naman imagine isang mercedes cabral ang nagsasabing give it to me baby yeah give it to me boy! so yun nga nagjejerjer sila. oo as in bilad na bilad sa gitna ng nambobosong araw. anlakas makasunbathing ng mga hayup (may diin)!

since pavirginal ako like my lolo and my great great grandfather except my father-in-law eh hindi ako tumingin. actually nahihiya pa nga ako. oo ako na may ari ng bahay at sa bakuran ko pa mismo. gusto kong matunaw sa kahihiyan, seriously. pero ang potang haliparut kung saan ako dun din sila. mano ba namang magexcuse sila ng very very slight but noooo sila pa ata tong galit. okey fine sige ituloy nyo lang yan basta wag nyo ako a-anu-------- ay potang ina! NGGGGRRRRRRRR!!!! nagagalit na sila sa akin. at balak pa akong kagatin nung isa. umatras ako ng mga 2 steps. saka ako patakbong lumayo. kinabahan ako doon ah. shet! (may diin)

walang anu ano biglang humiwalay yong dalawang asong nagjejerjer. lumapit sa akin yong babae, actually kanina pa kawawa yong babae yong lalaki lang talaga ang mapilit parang sa totoong buhay lang.lols. kilala ko yong asong yon, si pinky pero brown talaga sya. ewan ko ba kung bakit ganun ang ipinangalan ng tsismosa kong kapitbahay. mabait yong aso at bukod sa mabait e malambing din sya. yun nga lang hindi ako palagay. malaking aso ito. ano na lang ako kung atakehin ng seizure at may pagkasadista pala tong asong to at bigla akong lapain. masakit yun! (may diin)

so habang nasa tabi ko sya, kita ko yong puday nyang namamaga--ay sorry pepe na lang para cute cute bigkasin. tapos kita ko din sa mata nyang nahirapan sya. so pathetic right? walang anu anoy biglang lumapit yong lalaking aso. so nashocked ako. mukhang manlalapa ang gagu. saka anong akala nya sa akin? mang-aagaw? nakakapambaba ng morale pre. hindi ako pumapatol ng bitch no. never in my dreams. joke! sana hindit ako tamaan ng kidlat! (may diin)

edi ano pa bang choice ko. pinalayas ko yong lalaking aso. may balak pa atang ako yong isunod. matataga ko talaga sya sa leeg. habang hinihimas ko yong ano ni pinky, o oh wag malisyosa! yong ulo nya. di ba nga mabait naman? naaawa talaga kasi ako sa kanya. swear! (may diin)

walang anu anoy may narinig akong...

"mang poldo anong ginawa mo sa pepe ng aso. may dugo!" and i was like... *faint*


guess what kung sino ang tsismosang nilalang na to?

Huwebes, Oktubre 20, 2011

mapulang kwento

scene 1. nasa palengke si aling lukring kasama ang anak na si betty. 

"uy anak o ang ganda ng bra, kulay red! at may lace lace pa, naku gusto kong bilhin to. kinse kada tumpok"
...
...
...
"anak bagay ba sa akin? anak? anak? tumingin ka sa akin, o di ba bagay? swak na swak" 
...
...
...
"anak wag mong sasabihin sa tatay mong bumili tayo ng bago kong bra ha, naku magagalit yun! binawasan ko yong pambili ng pagkain ng manok nya" 

tumango lang ang pobreng bata habang subo subo ang kulay violet na lollipop na pinupunas sa kanyang labi para gawing lipstick.

scene 2. sa pepetsuging mall. itago na lang nating sa pangalan llanas. 

"naku anak ang ganda nung blouse na kulay pula oh. ang ganda ganda tignan! bagay na bagay sa akin yan"
...
...
...
300 po.
250 na lang.
di po pwede eh.
260? baka pwede.
di po talaga pwede eh hangang 300 lang po talaga.
sige 280 kunin ko! 
sige 290 bibigay ko sayo!
...
...
...
"naku anak wag mong sasabihin sa tatay mong bumili ako ng bagong blouse ha. di bale ibibi na lang kita ulit ng bagong panty. gusto mo ba nung may drowing na dora?" 

tumango lang ang pobreng bata habang subo subo ang kulay violet na lollipop na pinupunas sa kanyang labi para gawing lipstick.

scene 3. sa isang ukay ukay shop.

"anak hawakan mo nga tong pinamili kong saging. titingnan ko lang tong red na sandal."
...
...
...
"anak bagay di ba? 5 inches heel yan anak. ang ganda ganda! kukunin ko to anak, kukunin ko to!"
...
...
...
tumango lang ang pobreng bata habang subo subo ang kulay violet na lollipop na pinupunas sa kanyang labi para gawing lipstick.

scene 4. sa loob ng bus.

" anak tingnan mo yong kulay pulang skinny jeans nung ali oh. ang ganda ganda di ba? saan kaya ako makakakita nyan? halika daan tayo ng cubao farmers"

tumango lang ang pobreng bata habang subo subo ang kulay violet na lollipop na pinupunas sa kanyang labi para gawing lipstick.

scene 5. sa cubao farmers.

"ale magkano yang red skinny jeans na yan?"
"ha? pwede bang 250 na lang?"
"wala nang tawad kahit pa tumuwad tuwad ako?"
"ganun? sige kunin ko ng 230"
...
...
...
"anak hawakan mo nga tong supot ng dalanghita."
"anak hindi ba masyadong masikip tignan?"
"naku anak sya nga pala wag mong sasabihin sa tatay mong bumili ako ng bagong pantalon ha? magagalit yun"

tumango lang ang pobreng bata habang subo subo ang kulay violet na lollipop na pinupunas sa kanyang labi para gawing lipstick.

scene 6. sa palengke.

"'nak lika try mo tong red headband"
" o di ba? ang ganda ganda? bagay na bagay sa yo anak"
"magkano?"
"sampu?? pwede bang limampiso na lang?"
"hala di na mabiro, sige na kukunin ko na lang ng sampung piso bigyan mo ako ng dalawa,yong puti at pula"

...
...
...
" o anak sayo tong puti sa akin ang pula. wag mo sasabihin sa tatay mong bumili ako para sa akin ha, sabihin mo sayo lang to."
" o halika na, suot na natin tong headband! ay potah! ang ganda ganda talaga! lika na anak!"

tumango lang ang pobreng bata habang subo subo ang kulay violet na lollipop na pinupunas sa kanyang labi para gawing lipstick.

scene 7. sa hbc. home of beauty exclusives.
...
...
"anak sasaglit lang tayo dyan sa hbc, may titignan lang ako"
"nakuuu anaaak ito nga yon. ito yong gamit na lipistik ni aleng marta, gustong gusto ko ang pagkakapula"
"anak bagay na bagay sa akin to di ba? bagay sa kisabol lips ko anak, bagaayyyy!"
...
...
"anak wag mong sasabihin sa tatay mo na bumili ako ng lipistik na bago ha. magagalit yun!"

tumango lang ang pobreng bata habang subo subo ang kulay violet na lollipop na pinupunas sa kanyang labi para gawing lipstick.


scene 2A. eksene ni roy, asawa ni aling lukring. araw ng linggo, sa bahay lang at may kinukumpuni sa kabilang kwarto.

pok! pok! pok! 

pok! pok! pok! 

umiling lang ang pobreng bata saka sinubo ang kulay pulang lollipop.

scene 2B. eksena ni betty, yong bata. 

pok! pok! pok! 

pok! pok! pok!

"ang ingay naman ni tatay. kanina pa nya minamartilyo yong sahig naming kahoy"

umiling lang ang pobreng bata saka sinubo ang kulay pulang lollipop.

scene 3. paakyat ng hagdan si betty para silipin si roy na kasalukuyang abala sa ginagawa.

bubuksan ni betty ang pinto. lalangitngit ang kalumaang pinto na gawa sa tabla ng acacia. isusubo ni betty ang hawak na lollipop para sa pagbukas ng pinto.

...
...
...
scene 4. eksena ni roy at betty. ang rebelasyon. 
makikita ni betty si roy. suot suot ang pulang blouse, ang red skinny jeans, at nakalipistik din ng pula, maging ang pulang headband di nakaligtas sa kanyang ama, at habang naglalakad lakad sa gilid ng kama suot suot din pala ang pulang sandalyas kaya nagbibigay to ng kakaibang tunog sa sahig na animoy namumukpok ng pako. pok! pok! pok!
...
...
...
magugulat si roy. gayun din si betty sa kinatatayuan. 

"naku anak wag na wag mong sasabihin sa nanay mo na pinakialaman ko ang gamit nya ha"

umiling lang ang pobreng bata saka sinubo ang kulay pulang lollipop.



end.

Lunes, Oktubre 17, 2011

matabil

nagtitimpla ng juice si manang para sa meryenda ni letlet. and out of the blue nagsalita ang matabil na bata...

"mamaaa...dagdagan mo ng tubig yong juice! masyadong saturated kaya matamis."

nagkatinginan kami ni manang, saka ako nagkamot ng ulo. di ko alam kung saan saan nya napupulot yong mga pinagsasabi nya.

7 years old? come on!

Martes, Oktubre 11, 2011

hindi ba pwedeng?

maaga akong umuwi kahapon. masakit yong ulo ko at nanunuot yong katamaran ko sa buto buto ko. hindi ko alam kung sinusunmpong na naman yong altapresyon ko o talagang sa mga oras na yon e nagliliparan yong laman ng ulo ko.

nadatnan ko sina manang at letlet na gumagawa ng asaynment. may komosyong nagaganap.

"magdodrowing daw po kami ng four-legged animal mama!"

"tapos mo na ba?"

"opo! kinukulayan ko na nga e!"

"sige anak titingnan ko mamaya tatapusin ko lang tong paglilinis ng banyo"

ilang sandali pa.

"maaaaaa! asan yong gray na krayola ko?"

"tingnan mo sa mesa may nakita akong krayola dun"

"nakitaaaaaa ko na!"

"teka ano ba yang hayop na drinowing mo?"

"hippo ma!"

"nu naman yun?"

"hippo mama! hippopotamus!"

"ay leche ano ba yan?"

"picture mo ma! juk juk!"

makalipas ang ilang sandali.

"maaaaa! lagyan mo na ng label, sulatan mo na ng pangalan dito sa papel"

"ano bang hayop yan?"

"hippo nga."

"hipopotamos?"

"opo ma"

"naku anak mahirap yong spelling nun hindi ba pwedeng cow na lang?"

BUWAHAHAHAHAHA.

Linggo, Oktubre 9, 2011

define harassment

Oct. 09. Sunday. 7pm.

may bespidida party na dadaluhan ang inyong lingkod. ura-urada lang. yong tipong hihilahin ka na lang kasi kulang ng guest at sayang naman yong food kaya ikaw ang napili ng magaling mong boss. at dahil sa wala naman akong ginagawa nung tumawag sya e umo-oo na lang ako.

magsuot daw ako ng pormal. putang ina sa lahat ng bespidida party e bakit may kelangang magcomply sa attire? hindi ba pwedeng jeans at tshirt na lang. wala akong choice. maarte yong boss ko kaya pinili ko na lang sundin yong utos nya.

habang nasa byahe ako tumawag sya. mauna na daw ako at dadaanan daw nya si luchi  sandali. okey..okey.. okey... yun lang ang nasabi ko.

imperness sa edsa, sa mga ganitong oras e akala ko heavy traffic. pinagpala ata ako at maluwang ang kalsada kasing luwang ng bunganga ni luchi, kaya naman madali kong narating ang hotel kung saan pagdadausan yong party.

suot ko ang puting polo, black pants at black shoes saka muling tumingin sa salamin, tiningnan ang ayos ng buhok..okey! panalo! ayos na ayos to. sana madaming chiks. lumabas na ako ng cr, oooops dapat pala eh wash room daw ang tawag for formality ang appropriateness. ewan!

paglabas na paglabas ko...isang babaeng nakapulang dress ang pumukaw ng aking atensyon. mga nasa early 20's. seksi. maputi. mala-anne curtis. nagkatinginan kami. ngumiti ako at ganun din sya. hawak nya ang isang kopetang may alak. alam mo yong tagpong parang ang buong paligid e sa amin lang, yong parang humihinto ang lahat ng pangyayari at kami lang pareho ang remarkable sa mismong tagpong yun. yong feeling na parang sya lang at ako tapos hinahangin hangin pa yong buhok nya at ako naman e unti unting palapit sa kanya dala ang makamandag na ngiti. yon! yong ganung feeling. sa edad kong to hindi ko maitatangging kinilig ang betlogs ko. siguro ganun din sya kasi ramdam ko sa kanyang mga ngiting maalindog.

unti-unti akong lumalapit sa pinakaroroonan nya. malamig sa pakiramdam at animoy nasa isang paraiso kami pareho. ako si adan ay sya si eba. tapos yong boss ko yong ahas. hahaha. anyway, ganun nga yong pakiramdam ko. napakagandang babae nya. hindi maitatangging dyosa sya sa aking paningin.

biglang bumilis ang mga pangyayari. fast forward. lumapit ako sa kanya. ngumiti lang sya. at nagwikang...

"waiter! can you bring an extra glass over here!"

pak! as in pak! para akong nabuhusan ng malamig na tubig. pumaitaas yong dugo ko. naramdaman ko yong init ng aking katawan. literal na init.

shit! napagkamalan akong waiter sa suot ko! putang ina! putang ina!( sa isip isip ko.) akala ko gusto na akong kausapin yun pala uutasan lang din! putang inaaaaaaa! (sa isip isip ko)

ngumiti lang ako. saka tumalikod. hindi ko alam kung tama yong ginawa ko pero kung mali man yon, kwits lang.

saktong pagtalikod ko nang masilayan ko yong ahas este yong boss ko kasama yong isang linta---si luchi. agad akong lumapit.

"ay sir poldo bakit ganyan ang suot mo... walang pinagkaiba sa suot ng mga waiters (sabay turo sa kanila). walang ka-disti-distinction! hahahahaha" panlalait nya sabay tawa.

at biglang nagshrink yong confidence level ko.

Sabado, Oktubre 8, 2011

smile

"bahala ka na dyan sa kusina" tanging yun lang ang nasambit ko para otomatikong maintindihan ni manang kung anong ibig sabihin ko. at sa mga ganung klase ng litanya alam kong naintindihan na nya. sya na ang bahalang magluto ng ulam nang ayon sa kung anong meron at sa kung anong kaya nya.

kinuha ko si manang bilang tagapaglaba. hindi para sa kusina. ang totoo nyan e dapat katulong ( verb ito. tagapagbigay ng tulong.) ko sya sa paglalaba at hindi kusinera. responsibilidad ko ang sarili kong pagkain. ako ang magluluto, in short akong bahala sa pagkain ko...yun ang napagkasunduan namin dati. pero dahil may anak syang balahura este makulit e nagpapaluto na lang ako at sabay na lang kaming kumakain ni letlet, sunod si manang.

punyeta ang habang intro!

ganito yon. wala ako sa mood para kumain. so sabi ko bahala na sya kung anong iluto nya. pumasok lang ako sa kwarto ko para manood ng tv. hindi po porn. hindi po porn. hindi po porn. hindi po porn. hindi po po--. hindi po--- hindi--. hin--. (repeat until it fades)

kumuha lang ako kanina ng biskwit at orange juice saka pumasok sa kwarto.

siguro habang naglalaba sya e iniisip na rin nya kung anong lulutin nya. at eto na nga.

hindi ako maarte. sasabihin ko na hindi ako maarte. alam mo yong omelet na ampalaya, may konting kamatis at itlog...syempre omelet nga di ba? yun yong niluto nya. okey ako sa kamatis. okey din ako sa itlog. ang hindi lang kayang arukin ng taste buds ko e yong ampalaya. lalo na kung masyadong mapait. ewan ko ba, hindi para sa akin ang bitter lalo na ang mga taong bitter.hindi gulay sa akin ang ampalaya kundi deadly weapon,hahaha---yun ang arte.

ang hindi pag kain ng ampalaya ay hindi kaartehan, bilang paglilinaw. kasi may pagkain naman na kinaaayawan mo o di-kinahihiligan na pwedeng gusto ng panlasa ko. tama? trip trip lang, in short.

pagsapit ng tanghalian...ummm nito-nito lang. kita ko sa lamesa ang niluto nya. kung tutuusin marami akong pwede ulamin pero nakakahiya naman kung babalewalain ko yong effort ng taon. saka isa pa, nasa recession ang buong kabahayan. mahal ang gulay ngayon. at naghihikahos na din ako. kaya konting pagtitipid. kita ko agad yong ampalaya sa mesa, ume-smile pa.

so ano pa nga ba ang gagawin ko. pilit kong inihihiwalay yong itlog sa ampalaya. at nung sinubukan ko nang kainin yong buong putahe. putang ina on its highest exponential value,all the way to heaven...ang paiiiiiit! uminom agad ako ng orange juice pero mas lalong pumait. putang ina ulit!

kung andun lang siguro si vincent van gogh hindi nya maipipinta yong mukha ko. kahit ilang buhos ng patak ng maggi savor e hindi malibsan yong lasa ng ampalaya. may aftertaste pa.

pumasok si mamang sa kusina. may tabo pa sa ulo.

"ano ser... masarap ba? hapkok yan para masustansya" bungad nya.

kaya naman pala. kelan pa hinahalf-cook ang ampalaya? buwisittttttttttttt!

smile lang ako. yong smile na punumpuno ng kabitteran sa mundo.

Biyernes, Oktubre 7, 2011

palitan, ayoko?

yong feeling na...

pinaghirapan mong gawin yong baon mo. yong pagkakahimay ng bawat ingredients, at sundin yong komplikadong paraan ng recipe pero meron at meron kang kaopisinang nuknukan ng kapal ng kalyo di lang sa talampakan kundi pati ang mukha na gustong makipagtrade sa yo ng baon. yong sa kanya nilagang itlog at hotdog. yong sa yo caesar salad , ham and cheese sandwich at may kasamang pangsoup (pot-au-feu de la mer ), saka pala zest-o.

pero sya tong mapilit at hindi makaramdam sa salitang..."pinaghirapan ko yang gawin".  na hindi kayang i-decode ng kanyang utak sa simpleng salitang...AYOKO!

aanhin ko ang itlog at hotdog kung meron naman ako.

Huwebes, Oktubre 6, 2011

when she talks like a jagger

"uy bago na naman cellphone mo? ang yaman mo naman! para saan ba at marami kang phone para magkaboybren? hahahaha!" sabi nung bitch kong kaopisina sa isa ko pang bitch na officemate.

tahimik lang yong pinagsabihan. at patuloy lang sa pagbusisi sa cellphone yong mapang-asar kong bitch officemate.

....
....
....

blah. blah. blah.

blah. blah. blah...

"ang yaman mo talaga! kaso kulang ka nga lang ganda! gusto mo maging frend ko?" patuloy na pang-aasar pa nung isa.

"frend? ummm... sure!!! para naman magkaroon ako ng kaibigan mahirap at feelingera" sumbat sa mukha sa mapang-asar kong officemate.

sabog! hahahaha. natatawa ako habang naririnig ko sila sa kabilang cubicle. may naaamoy na akong cold war.  yong pwedeng i-blog na mahahaba-habang episode. haha

Martes, Oktubre 4, 2011

konting usog pa ho

madaling madali ako kanina papauwi kasi babagsak na naman yong ulan. wala akong dalang payong.sakto namang may jeep na daraan. sumakay agad ako kahit pa fx pa yong madalas kong sakyan okey na rin yong jeep para madali akong makakauwi sa bahay, yun nga lang mainit kasi siksikan ng husto.

buti na lang meron pang natitirang espasyo sa malaki kong puwitan. maayos na ang upo, sa lagay na yon. mga ilang metro lang ang itinakbo ng jeep nang muling huminto. mga sampung metro siguro. hinintuan yong babaeng sasakay, may dalang malaking payong at bag na malaki din, naglayas ata. nasa late 20's na yong babae sa tantya ko. mestisahin pero may pagkakulot ang buhok. singkit. not my type. saka may laman ang tyan. baka nagpacheck-up kasi may malapit na ob-gyny kaming nadaan bago pa man sya makasakay.

sakto namang yong sa tabi ko upuan ang bakante so doon sya uupo. kaso sa liit ng siwang para sa pag-uupuan nya eh sa tingin ko hindi sya magkakasya.

"konting usog lang po at may buntis na uupo" sabi ko. tinginan sa akin yong mga pasahero lalo na yong tinutukoy kong umusog ng konti.

"manong hindi po ako buntis chubby lang po ako" sabi ng babaeng sasakay.

at doon muling dumagdag ang hiya ko sa sarili. bwisit.

master bait

sabi ni Sen. Enrile...

“And the question that bothers me is… Is the sperm alive? Is the ovum of the woman alive? I have consulted doctors and the answer is yes.


The sperm of a man cannot fertilize any egg, not the egg of a whale, or a lizard, or a bird, or a fish, but only the egg of a woman. And neither can the egg of a woman be fertilized by any other sperm except the sperm of a man, so that these two elements must be together to create life. But each one of them has life. There is no question about that because they have mobility: They move; they develop.”

nakapagtataka lang na sa mga ganitong klase ng tao sila pa yong may makitid na pag-iisip. kung pagbabasehan ang konstitusyon ng pilipinas nasa Article II section 12 at Article II section 06 na nagbibigay ng conteksto sa separation ng church at goverment. correct me if im wrong. pero sa aking pagkakaintindi hindi pwedeng magkaintervene ang simbahan sa gobyerno pero sa kalagayan natin ngayon mukhang di nasusunod. kung ano yong pananaw mo bilang kasapi o miyembro ng simbahan wag naman sanang idikdik yong idoloheyihang yun sa gobyerno. i know may impact ang faith pero sa ganitong klase ng usapin konting lawak pa. yong kasing lawak ng nasalanta ng bagyong pedring at quiel.

kung ang pagma-masturbate e masasabing abortion, naku naman halos lahat na rin siguro ng mga kalalakihan e guilty sa abortion. ayun sa pagkakanta ko sa bio genetics ko dati noong nag-aaral pa ako ang sperm ng lalaki ay nabubuhay lang sa maikling panahon ang pagkakantanda ko e nasa 24-48 hours (without ovulation) kaya magkagayunpaman kelangan irelease yong mga namatay nang sperm sa katawan ng lalaki para mapalitan ng mas matibay at mas malakas pang sperms.

atsaka kung abortion ang masturbation what about menstruation?

saka sa mga ganitong klase ng usapin siguro unahin muna nilang asikasuhin yong korapsyon sa pilipinas. matindi na kasi e. yun lang.

Lunes, Oktubre 3, 2011

porque

mag aalas-nuebe na nun ng gabi. punumpuno ang isang fx na kaslukuyang nilalakbay ang kahabaan ng isang madilim na daan sa gitna ng bumabagyong panahon, si pedring. malakas ang ulan. at sa sobrang lakas na sinabayan pa ng malamig na buga ng hangin na nagmumula sa erkon ng fx ay naghahatid ito ng di magandang kalamigan sa katawan ng bawat pasahero. tahimik akong nakikinig sa radyo nang may marinig akong nagsalita sa gawing likuran ng fx.isang babaeng may kausap sa telepono.

"alam mo mare yong anak ni kuya kanor, yong kapitbahay natin...potah bakla pala!"
...
"oo mare, nalaman ni mang kanor na bading ang anak nya kaya pinalayas!"
...
"di ko nga alam e pero matagal na.sayang ke-guapo guapong bata e bakla"
...
"oo nga e. sayang ang kaguapuhan kung sa kabaklaan din lang mapupunta"
...
"malay ko.pero yun nga ang nangyari. nahuli.tapos pinalayas saka...---helloooo mare? hello? hello? hell-oo? hello andyan ka pa ba, hello? hello?" tooot... tooot...tooot.
...

at sa loob lang ng maikling segundo merong isang lalaki ang nagsalita naman sa unahan.

"oo bakla yong anak ni mang kanor. oo matagal na ring bakla yon mula nung pagkabata pa lang."
 ---
"tama ka guapo yong anak ni mang kanor pero hindi porket guapo e hindi na pwedeng maging bakla. at hindi rin nangangahulugang bakla e panget na...diskriminasyon po yang sinasabi nyo"
---
"...at hindi porket bakla e wala nang karapatang gumawa ng tamang desisyon. mali yang narinig nyong pinalayas ako ng tatay ko. nagdesisyon lang akong umalis para maging stable ang lahat. at oo, tama po ang iniisip nyo ako si joel, yong anak ni mang kanor at ikaw po si ate momay yong dakilang tsismosa sa kanto ng arellano."



nakagiginaw na katahimikan.

Martes, Setyembre 27, 2011

tuyo

sa mga ganitong klase ng panahon ang mainam na pag-eeksena ng piniritong tuyo at sinangag na pinartneran pa ng kamatis konting patis at sili. isang napakaespesyal na hapunan sa ilan lalo na ako. matagal na akong di nakakatikim ng tuyo, mga dalawang araw na.haha. pero ang totoo nyan e paborito ko naman talaga ang tuyo. dito kasi sa bahay maliban sa akin eh yong pusa din ng kapitbahay namin ang mahilig sa tuyo. kaya kung hindi ako atakihin ng highblood eh sakit naman sa bato ang aabutin ko.

minsan nagdala ako sa opisina ng tuyo. meron kaming oven toaster. bumili din ako ng mantika sa ministop. kinatanghalian agad kong isinalang yong tuyo sa toaster para iluto. maya't maya pa akala ko sa pantry lang mangangamoy yong tuyo. hindi pala. nangamoy kundi buong floor ng building namin. buti na lang sabado. nagreklamo islash komento lang yong guwardya sa kabilang opisina kaya ko nalaman na abot hangang dun ang amoy.

nung mga oras na yun hindi ko aakalain papasok pala ang boss ko. eh pihikan. ayaw ng amoy ng tuyo. pero with all the composure sa katawan eh masaya nyang tinanggap na nagluto ako, nag smile pa nga eh. pero deep inside alam kong gusto nya na akong ibitin gamit ang takong nyang 5 inches ang haba.

mabalik tayo. si manang at si letlet pala hindi fan ng tuyo. mas fan sila ng tender juicy hotdog. arte?

at bakit ko naisipan gumawa ng entry para sa tuyo. ewan. basta ang alam ko swak na swak yun sa maulang panahon tulad nito.

disclaimer: ako na ang natutuyuan ng utak.

Lunes, Setyembre 26, 2011

good morning sa inyooooo!

antagal kong nawala. sorry naman. bigla ko lang naalala kanina na may blog pa pala ako. para akong sinapak at sinabihang uy kupal may blog ka pa anong itinutunganga mo dyan!

kaya ito kahit wala akong maisip na isulat, magsusulat pa rin ako. ayos din naman pala ano nakakaexercise ng mapurol na utak.

nakikinig ako ng radyo ngayon. may bagyo pala. kaya pala ganito ang bumukas na umaga sa akin paglabas ko kanina.magdya-jogging sana ako kaso yun nga maulan saka ayoko maputikan ang bagong kong rubber shoes. hehe. pero higit sa anupaman mas masarap partner-an yong ganitong klase ng umaga ng isang mainit na kape.

<enter LSS song NESCAFE SWEET N MILD>

"goodmorning sa inyo .sweet and mild ang kasama ko tamis na iyong hatid umaga'y walang pait!"

sa totoo lang kay letlet ko unang narinig yan. kakantahin nya sabay iikot. anumang oras kakantahin nya yan pag naaalala nya. at mas mahaba pang linya ang kinakanta nya, memorize. nalaman ko lang na may ganung kanta pala nung minsang manood ako ng tv. pinalabas yong commercial na yun kaya ko na-confirmed.

pero stick pa rin ako sa kapeng ako mismo ang nagtimpla tsaka dun sa paborito kong tasa. oo may laang tasa para sa kape ko sa umaga. mas masarap kasi magkape pag sa paborito kong tasa. pero wala na sigurong sasaya pa kung kasama ko sya, yong taong mahal ko. ay naku aga aga ang emo emo ko.haha.

minsan pala kahit anong pait ng buhay, o ng kape...pipilitin mong maubos yan, pipiliting malunasan ang mga problema habang mainit-init pa. kasi kung lalamig na mas lalo mong mararamdaman yong pait, yong problema. wag nang patagalin pa kung alam mong sa huli e masusulosyunan rin naman. ganun nga siguro ang buhay but in the end it is still a good morning after all, umuulan man o bumabagyo kelangang tanggapin kung anong ibiniyaya. maswerte ako o tayo na kada umaga kahit anong pait ng kape alteast buhay na buhay tayo. i-enjoy lang yan kasi maya maya darating ang tanghalian at mga ilang oras pay ang pagdapit-hapon naman.

ganun nga siguro ang buhay. minsan matamis. minsan mapait. maswerte ka na kung may krema ka pa kasi ang fundamental na sangkap ng kape na alam ko ay ang mismong kape at asukal saka mainit na tubig. parang buhay nga talaga. nabubuhay tayo nang ayun sa ating panlasa.

Huwebes, Setyembre 8, 2011

buwaya

alam kong ako na ang pinakahuling nakaalam ng balita tungkol dun sa 21-talampakan na nahuling buwaya. anlaki nun. nai-imagine ko kayang kaya at effortless kung sumagpang pala ng isang tao, o kahit ng isang baka pa. ayun sa balita ito na daw ang pinakamalaking buwayang nahuli sa buong mundo. malamang.

naa-amazed pa rin ako kung paano napanatili yong habitat ng mga buwaya sa lugar na yun (agusan del sur) sa loob ng mahabang panahon, kung tutuusin sa unti unting pagdami ng tao hindi malayong nagagambala yong wildlife. nagkakaroon ng thin line between human welfare at wildlife. na-haharass sila sa polusyong o consequence dulot ng global warming, ng expansion, ng deforestation at ang malawakang paggamit ng virgin coconut oil. joke lang yong panghuli.

naisip ko, kung magkakaroon lang ng matibay na programa ang gobyerno para sa wildlife hindi magkakaganito ang mga hayop sa kagubatan. ang kaso mo sa denr pa lang may mga ganid animal na! sa wild life pa kaya?hindi ko alam kung matutuwa ako na nahuli yong 21-talampakang buwaya. stressful tumira sa isang lugar na bago lang sa kanyang mata. lalo pa kaya kung gawing tourist attraction yong kawawang buwaya. ayoko naman sabihin na pakawalan na lang sa wildlife pero kung may matibay na programa lang ang gobyerno laan para sa ganitong klaseng hayop hindi tayo magkakaproblema. may lugar para sa mga hayop at may lugar para sa mga tao, walang pakialaman.

hindi rin ako magtataka na sa ganitong sitwasyon yong mga ganoong klase ng hayop e natututo na ring umatake sa tao, eh kasi nga di ba nagagambala yong habitat nila. at hindi rin ako magtataka na ultimo batasan hangang sa mga mumunting lalawigan eh inaatake na rin ng mga hayop, at sila na rin mismo ang nagpapatakbo, mga nanunungkulang may makahayop na paraan. ang masama pa nito bulag ang pilipino na noon pa may wala ng habitat ang mga hayop sa kagubatan, sirang sira na. lumipat ang hayop sa kapatagan, sa siyudad, sa kongreso, sa senado, sa mga lalawigan, sa bayan...nagkalat sila. nakatatakot.

sabi sa news, may isa pang mas malaking buwayang hindi pa nahuhuli, sa kaparehong lugar kung saan nahuli yong 21-talampakang buwaya.nakagagambalang ewan. pero okey na rin yun kesa sa makaperwisyo pa ng tao. hangad ko lang naman yong mabuting paroroonan kung saan sila ilalagay o ikukulong. harinawa.

ayun sa pagkakaalam ko ang life span ng mga buwaya ay nasa 50-100 years. pero yong kilala kong buwaya buhay na buhay pa rin sa kabila ng pagkakasakit. gustong gusto ko syang masilo, nasa 4'1 talampakan lang naman hindi pa rin mahuhuli. masyadong madulas. maraming kaanib.

darating din ang panahon, liliit ang habitat ng mga buwaya sa lipunan. matagal-tagal pa pero alam kong darating din yun.

Lunes, Setyembre 5, 2011

sana hindi ako magoyo

nag purchase ako ng isang item thru online. hindi naman ganun kamahalan pero kung susumahin mo e ilang burger din yun sa jollibee. binayaran ko thru paypal. alam kong malaki ang chance kong maguyo ako kasi 2days pa ang shipment nung inorder ko. fully paid na ang status. yong item na lang ang hinihintay.

at sa ganitong pagkakataon dalawang bagay lang ang hinihiling ko. una, na sana makarating yong inorder ko. pangalawa, na hindi scam yong nabilihan ko.

sa ganitong punto kelangan kong pagkatiwalaan yong instinct ko. likas sa tao ang mabait, inborn daw yun. nagiging masama lang naman ang isang tao dahil sa environment ek ek.

at kung magagantso man ako, Siya na bahala sa kanya.

sya nga pala, wag mo nang itanong kung ano yong binili ko.

Sabado, Agosto 20, 2011

napanaginipan kita mang poldo

maaga akong nagising kanina. walang pasok. maaliwalas ang umaga. tahimik ang buong kabahayan. wala pang masyadong tao sa labas. nakabukas ang radyo habang himihigop ng isang tasang mainit na kape, isang tipikal na umaga para sa isang tulad ko.

habang pinagmamasdan ko ang labas ng bahay biglang pumasok si letlet, patakbong tumungo sa akin.

"mang poldo! mang poldo! good morning umaga sa yo! "
napangiti ako. "morning na nga, may umaga pa."

naupo sya sa tabi ko.

alam mo napanaginipan kita mang poldo.
talaga? anong napanaginipan mo? numero ba? lika dali tayaan natin sa lotto baka sakaling manalo!
eeeeehhhh hindeeeee kaya! basta napaniginipan kita kasama mo daw ako pumunta tayong megamall.
anong ginawa natin dun?
syempre nag-shopping!
o tapos? anyareh?

nung pauwi na daw tayo, nasa train na tayo (read: MRT) nang bigla kang hilain sa akin ng mga tao. lumalaban ka pa nga daw e. nagulat ako kasi bigla bigla ka na lang hinila nung magbukas yong pinto. kaso malalakas yong mga tao kasi malalaki yong katawan nila di tulad mo (nanlait pa?) tapos ayun... sumarado na yong pinto. ako naman iyak ng iyak. lakas nga ng iyak ko e.

nung parteng yon napangiti ako. answeet talaga ni letlet. pramis hindi ko mapigilang mapangiti. yong tipong ngiti abot gang tenga.

tinuloy nya ang kwento.

...nasa loob ka na nun ng tren at paalis na. ako iyak pa rin ng iyak. malakas na malakas na iyak yong parang pinapalo ako ni mama.
naku malakas nga yong iyak na yon, parang kinakatay na baboy. eh bakit ka ba naiiyak? kasi mawawala na ako?

HINDI!!! naipit po kasi yong kamay ko sa pintuan ng tren. ansakit sakit kaya. nangitim na nga yong kuko.

TOINKS!!! LECHENG BATA.

Ansarap buhusan ng mainit na kape yong bata. akala ko sweet. demonyita pa rin talaga.

Huwebes, Agosto 18, 2011

datkilab

pag gusto ko ng sinigang nagpapaluto ako kay manang. pero di ko alam kung bungol sya o sadyang kinapos ang pang-unawa nya, lang niluluto kasi nya e nilaga. minsan lang naman.

sasabihin ko mamang gusto ko ng sinigang, oramismo maya-maya lang nasa hapagkainan na yong nilaga. pag sinabi ko namang mamang gusto ko ng nilaga ganun din otomatik na maghahain ng sinigang. hindi ko alam kung diverse mag-isip o inversely proportional lang ang hypothalamus nya o may mali lang sa sistema ng katawan nya, pero understood naman.

minsan naisipan kong magpaluto ng menudo, alam mo kung ano ginawa? nagpatugtog ng mga kanta ng menudo kaya pala kung makahalungkat sa cabinet ng mga casette tapes napakawagas! tapos sinabayan pa nya ng sayaw at kanta. buset!

minsan natatawa na lang ako. pero ganun pa man...

happy birthday manang!

Linggo, Agosto 14, 2011

sino kaya sya

dumaan ako ng opisina kanina. naiwan ko kasi yong charger ng buwakinang telepono ko. ayoko sana kaso maghapon naman magiging lobat yong buwakinang teleponong yan.

nasa 21st floor yong opisina.mag isa lang ako...sa buong floor. although alam kong may mga nagroronda na guwardiya pero nung panahong yon eh busy ata kakakamot ng betlogs nila. andaming thoughts akong naiisip, what if totoo nga yong balibalita na may whitelady sa kabilang office, what if totoo nga yong babaeng umiiyak, what if totoo yong babaeng may itim na belo pero wala naman daw ulo, what if totoo nga yong kwentong may kumakalabog sa cr ng mga babae whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!! pero ayoko maniwala dun kasi nasa urban place ako at nasa 21st floor tapos may ganung kwento, weeeeh?

so para mahinto ako sa mga ganung thoughts nagisip ako ng happy thoughs. happy. happy. happy. pero hindi ko pa rin maialis nang tuluyan.naiisip ko kasi yong babae nakikipaglaro ng jack n poy pero wala naman syang ulo.shet.

agad agad akong umalis. kitang kita sa cctv kung irereview yong galaw ko. taranta at aligagang makalabas agad. nasa labas na ako ng opisina namin nang may biglang tumunog. tunog ng elevator. ting!

ayos! may kasama ako! its either papasok sya sa opisina or kasabay ko syang palabas sakay sa elevator. pero atleast magkikita kami sa pasilyo. agad kong ni-lock ang office. saka dali daling umalis. mga 10 seconds din yun.

nung pagdating ko sa pasilyo o hallway, oo tama nga na bukas pa rin yong elevator at may pumindot nung down button pero laking pagtataka ko kung sino yong lumabas kasi wala naman akong naririnig na kumakalampag sa kabilang office para magbukas ng kanilang pinto. nagsimula na akong magpanic. pero okey lang. sabi nga nila...meynteyn! i maintained to be cool as possible kahit may mga butil butil na ng pawis sa noo. at sa aking pagtataka nakabukas pa rin ang elevator. hindi pa sumasara. bago ako pumasok tinanaw ko muna kung may tao nga, wala akong makita. madilim sa parehong opisina na posibleng papasukan nung tao. eh bakit ganun nakared yong button meaning may pumindot.

still, naging cool pa rin ako. cool. cool. cool. the moment na pagpasok ko ng elevator eh saka naman nagsara, para bang ako lang yung hinihintay. agad agad kong pinindot ang ground. nag iisip ako kung bakit nangyayari sa akin to. hindi to totoooooooo sabi ng utak ko, malaking coaccident este coincidence lang to.

nung nasa elavator na ako. ang init ng pakiramdam ko pero anlamig lamig sa loob. napalakas ata ang aircon kako. inayos ko na lang yong sarili ko. pilit pinapanatag ang sarili. nung nasa ground floor na agad akong lumabas. tumungo sa sekyu na nakatoka, tinanong ko sya kung may pumasok ba sa 21st floor maliban sa akin.wala naman daw. hehehe sa totoo lang natakot na ako. alas sais na kasi yun ng hapon. at sa ganung oras di ko mapigilang mag-isip ng kung anu ano.

nung nasa labas na ako ng building saka ko lang naalala na linggo pala ngayon, mahina ang aircon sa elevator pag ganun o dili kaya e pinapatay.eh ano yong lamig na naramdaman ko? hala. pero hayan ko na, nakalabas na ako. tapos nang napansin kong naiwan ko yong plastic kong dala. potaaaah! kako. naiwan ko dun yong charger ng telepono ko. shet. shet. shet to its nth exponent level.

kunyari nagdalawang isip pa ako kung babalikan ko pa ba or hindi pero mabilis ang instinct ko na wag na lang daw baka daw kasi magtaka yong guard kung ano ano ang binabalik balikan ko. haha.

goodluck to me baby!

Sabado, Agosto 13, 2011

hindi ko kinaya

tatlo lang kaming pumasok nung araw na yon, sabado e. may kelangan kaming report na matapos. si tim yong baklang account executive, yong boss kong binudburon ng finesse sa katawan at sino pa nga ba kundi ako.

tahimik ang buong opisina. kanya kanya ng trabaho kanya kanyang toka. abala akong gumagawa ng report nang may marinig ako.

oh my gosh, oh my gosh!!!!!!!!!!!!!! sigaw ni bakla.nasa stock room sya ng opisina para kumuha sana ng dish washing paste.

nagulat ako sa sigaw nya syempre.as in gulat na gulat, sa ganung sitwasyong di mo mapipigilang mag-isip ng di masama, its either natumba sya or natabunan ng mga basang basahan.nagising ang adrenaline ko sa sigaw nya. potah.!pero patay malisya lang ako.pakshet istorbo!

yong boss ko ang aligagang pumasok sa stock room. the moment na pagpihit nya ng door knob napasigaw din ang hitad....

what da fuck! what da fuck! alingawngaw ng bibig ng boss kong cultured kung ituring ng marami,hehe. atleast sosyal pa rin ang pagmura nya, what da fuck!?!

right there and then e agad akong tumayo. nag ala-superman ako! ala night in shining armor. syempre pagkakataon ko na para magpakitang gilas. naaamoy ko ang victory! naamoy ko ang endless thank you! buwahahahaha. pumasok ako ng stock room. pakshet nagulat ako.

anlaking daga, nagulat ako kung pano na lang nag-evolve ang ganitong klaseng peste. halos kasing laki ng pusa. as in. gusto kong magsisigaw din bilang anticipation sa nangyayari at sense of belonging na rin sa dalawa. kaso ang OA naman di ba? patay na yong daga. as in wala nang buhay.

nagulat lang daw sila kung bakit panong nakapasok sa stock room yong daga. sabi ko natural sa pinto.hindi umimik yong dalawa, pinandilatan pa ako ng mata ni tim. inutusan akong ibalot sa plastic at itapon sa garbage.

sinunod ko naman. naghanap ng plastic. kumuha ng broomstick at saka dust span. medyo mabigat syang buhatin gamit ang dustpan kaya sa gitna ng hawak ng hood ng dustpan ako humawak.pinakatitigan ko yong daga kung paanong namatay. bukas yong mata. mahaba yong balbas.ngayon lang ako nakakita ng daga sa urbanidad. mukhang sosyalin. mamumula mula ang paa. nagpafoot spa kaya? hindi ganun kaitiman, tama lang.

saktong ilalagay ko na nang biglang gumalaw yong putang inang daga. nagulat. nataranta. natakot. at gusto kong magmura...potang inaaaaaaaaaaaah! syempre ano ba nga bang ginawa ko e tao lang din ako. sumigaw lang ako, slight lang naman. pramis. shock to death ang lintek.

ending? nalutas ang kaso ng mga taga pest control.

Miyerkules, Agosto 10, 2011

how to cook the dummy 101.

o edi ito na naman. kinati ang pwet ko para maisipang magluto.may napanood kasi ako dati sa potang inang 10-minute coooking show blah blah blah na yan but in reality parang hindi naman.kulang yong sampung minuto.maraming factor.maganda yong konsepto pero parang malayo sa katotohanan.okey okey mabalik tayo, so edi nagluto ako ng soup.sinisipon kasi ako that time so kelangan ko ng mainit na soup. at pag sinabing mainit na soup dapat ako yong magluluto talaga para alam kong mainit nga. :D narito ang paraan ng pagluluto gusto kong ishare sa inyo.

ingredients:

sotanghon
sardinas  na puti. kung sosyal ka mackerel ang tawag.
pepper.
onion.
garlic.
ginger.
1 tangkay ng celery.
asin.
mantika.
tv.
at konting skills sa pagluluto
samahan mo na rin ng konting dasal.

lahat maliban sa huling tatlong nabanggit e nabili ko lang sa sari sari store ni aleng nena, mura lang may libreng tsismis pa. minsan nga libre na yong bawang basta kindat kindat lang.

paraan ng pagluto. syempre pag sinabing bawang, sibuyas at luya isa lang ang patutunguhan nyan I-GISA. pano? dyan papasok ang role ng mantika. magsimula nang magdasal. unahin ang bawang, isunod ang sibuyas at higit sa lahat wag kalilimutang balatan. pag nagisa na. buksan ang lata ng sardinas. pakuluan ng mga 15 minuto sa dalawang tasa ng tubig. habang hinihintay ang 15 minutes pigilan ang sarili sa kakabukas ng takip. nawawala ang aroma. sa puntong ito kabilin bilinang wag bubuksan ang takip ng wala pa sa itinakdang oras. again pigilan ang sarili. wag kang masyadong excited. magdasal ka na lang na nasa tama ang ginagawa mo at tama ang pinapagawa ko sayo. hahahaha.

habang naghihintay buksan ang tv. yes kasama talaga to sa recipe. manood ng face to face. masaya sya pramis. bakit ko to sinasabi? para magkaroon ka ng ideya kung pano mo bubugbugin ang magsasabing di masarap ang luto mo. kung hindi mo trip manood. patayin na lang. sayang ang kuryente, maraming batang hindi kumakain? hahaha.

para naman maging worth waiting ang paghihintay sa 15 minutes. hiwain ang celery nang ayun sa takbo ng stock market. kung hindi mo alam hiwain nang ayun sa kaartehan sa katawan. kung walang arte sa wankata hiwain ng maliliit. kung walang celery at kung ayaw mong kumain ng celery pwede na ang onion springs. again muling magdasal, sana magwork.

add salt and pepper (dont forget to spring some on your shoulder for good luck, naks) ayun sa yong panlasa.

fast forward. ilagay na ngayon yong binabad na sotanghon. isunod ang celery kasabay ng pinitpit na luya. isabay mo na rin yong mga frustrations mo sa buhay. bitterness at daldalera mong kapitbahay. muling takpan sa loob ng 5 minuto. another round for pray.

pag kumulo na. optional kung kakainin mo agad. kung patay gutom ka, go lantakan na! kung may konting finesse ka pa sa katawan ihango ang noodles para hindi iabsorb ng noodles yong soup. i-serve ng magkahiwalay. higupin ang soup. ipakain sa aso yong noodles. joke. wag kalilimutang mag-usal ng dasal bago kumain.

yun lang. salamat.



alam ko sasabihin mo asan yong soup. nakalimutan ko kasing ihango. kaya naabsorb ng lintek na noodles yong sabaw. pero im thinking din na baka masyadong talipandas at malikot yong water molecules ng soup kaya tumakas. nag-evaporate. 

enjoy! this post is brought to you by magic sarap.